Ang Uno sa Lahat
Disyembre 10, 2017
Salamat po sa able leadership ng ating Bayan kaya nga Ang Uno, Numero Uno ito sa maraming bagay sa timpalak ng DILG, DOLE at DENR
Subalit para masagad ang tagumpay, ay kung maaari pong paki sulyapan ang sumusunod:
Sa butihing Lady Chief of Station PNP Angono
Ang mga sasakyan sa highway ay walang pakundangan sa paghagibis sa highway at hindi nagslowdown sa mga pedestrian lanes na itinakda ng LTO law, RA 4312, section 43c. Sana po ay mag apprehend ng iba, para igalang ng mga driver ang nasabing batas, di malagay sa peligro ang buhay ng tumatawid makamatay or maksakit.
Sa butihing mga Barangay Official PNP at Zoning Administrator
Sa amin pong subdivision, at may restriction dito na bawal ang commercial na establisyemento, ay may
mga kapuna punang nakakabalahaw sa katahimikan ng subdivision:
1. May repair shop na madalas inirerebulosyon ang mga motor ng sasakyang ginagawa na maaaring
makasira sa tainga ng ilan, o makagambala sa pamamahinga.
2. May venue place na kapitbahay namin na dahil sa malakas na karaoke, at tumatagal ng 2 am, ay
patuloy na malakas ang kantahan at tugtog. Disturbance of peace and order. Sana hinaan po ang
tugtog, or may time limit say 12 midnight.
ANG LUGAR PO NG SUBDIVISION AY RESIDENTIAL SANG AYON SA RESTRICTION. At ito ay isang batas na dapat ipatupad, kung di pa nareclassify sa isang hearing na ang subdivision ay commercial na